I use English for most of my blog posts, journal entries and creative submissions.
When I use Filipino, that's how you know the following text is going to be deep.
Beware of feels.
If you've braced yourself, keep reading. :))
Anak nga ako ng nanay ko.
Kahit gaano ko pa ihiwalay ang sarili sa mundong kinagisnan, at kahit
minsa’y di ko sya maintindihan – mananatili ang koneksyon ko sa kanya. Para bagang magkakabit talaga ami. Siguro nararamdaman niya rin ito kaya patuloy
ang paghahanap at pagtawag niya sa akin habang lumalayo ako. Hindi ko rin naman masisi ang sarili dahil
bilang tao, kailangan ko ring tumuklas.
Ngunit para bang lagi siyang naghihintay, habang patuloy akong lumalayo.
Kaya siguro ako nalulungkot nitong mga nakaraang araw. Malungkot rin siya, marahil sa sa lahat na
naman ng sakit na kanyang iniinda.
Naaawa ako sa kanya, pasaway akong anak – malakas makapagreklamo sa
maliliit na bagay habang hindi siya nawawalan ng dahilang patuloy kaming
alagaan at arugahin na magkapatid. Ito,
sa kabila ng di pagkakaintindihan nila ni Papa dahil sa pera at sakit sa
pagkamatay ni Tita. Lagi na lang siyang
nawawalan, laging iniiwan. Para bang
walang nananatili sa kanya. Kaya siguro
ganoon kung makahinga siya sa akin. Ayaw
niya lang siguro akong mawala.
Hindi naman ako mawawala, sadyang malakas lang ang
kagsutuhan kong lakbayin ang lahat ng daang binubuksan ng pagtuklas ko sa aking
sarili. Hindi niya lang siguro naiintindihan dahil iba ang kinagisnan
niya. Sana maintindihan niya rin
paglaon. Sana mas maipakita ko na lang
sa kanya.
0 comments:
Post a Comment