Hour of Code

by 11:12 PM 0 comments
(Sa sobrang init ng araw, makakapag-Tagalog ako!!)

Gustong-gusto ko yung intention ng mga pioneers ng Hour of Code na ilapit ang coding education sa mga hindi naman nakakapag-aral nito ng matino.  Gusto ko na kahit ginawa nilang pambata yung interface, makakapaglaro pa rin ang mga (medyo) matanda gaya ko. Magkano kaya yung ginastos nila para mabuo yung site, gaano kaya katagal pinag-isipan? Mukhang legit yung may printed certificate kapag nakakatapos ka ng isang course. At hindi boring ang mag-aral sa Hour of Code, ha! Para ka lang naglalaro. Ang galing-galing talaga ng nakaisip ng Hour of Code.

Dihamak naman na mas gusto ko to kaysa sa Cisco namin noong high school. Sa Cisco kasi, kahit kasing simple lang sa mga nile-lecture sa IT 1, parang ang hirap niyang i-absorb.  Halata mong nerds yung mga bumuo ng modules kaya medyo /ang hirap/ i-digest. Tapos sobrang hirap pa ng online exam. Kung babasahin niyo yung previous posts ko, ikinumpara ko rin yung Cisco sa lesson (yata) sa hardware ng computer. Mas gusto ko talaga ang approach sa IT 1, at feeling ko na-reflect yun sa Hour of Code na activity namin.  Magaling talaga yung module ng Hour of Code.

Kaso mas magaling talaga yung Hour of Code kaysa sa akin. Hindi talaga ako nadalian kahit sa unang series of puzzles lang. Yung Maze. Grabe, ibig sabihin ganun kahirap yung kailangan pag-aralan ng mga developers ng mga apps at games? Tapos kailangan nilang palabasin yung designs at interface nila sa paraang maiintindihan ng ordinaryong user? Wow. No wonder ang laki-laki ng bayad sa kanila at sobrang profitable ng field nila.

Mas nag-enjoy ako sa Artist, sayang lang di ko na natapos lahat kasi kinapos ako sa time. :(
Mula kasi noong gumawa kami ng libro (oo, buong libro) para sa major class namin, nakahiligan ko na ang mag-edit ng pictures at mag-drawing ng konti. Nakatulong ang pagiging OC sa pixel numbers at colors sa The Artist na mga puzzles sa Hour of Code. Ayan na nga't naka-post na yung mga nagawa ko last week sa lab. :))

jannilleabbie

Developer

Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Curabitur blandit tempus porttitor. Vivamus sagittis lacus vel augue laoreet rutrum faucibus dolor auctor.

0 comments:

Post a Comment