Paliwanag

by 3:39 AM 0 comments
Kuha ng blogger

DISCLAIMER: Hindi deep ang sumusunod na post. :))

Kadalasan, unang post sa mga blog yung pagpapakilala ng blogger o kaya pagkundisyon sa mga readers sa mga susunod niyang magiging post. Pang-anim ko nang post ito. At dahil spur of the moment (malapit na yung deadline) ko lang naisip ang pamagat na Hiraya Manawari, ngayon pa lang ako magpapaliwanag.


Mula sa Talasalitaang Filipino - Filipino Word Porn

Na-encounter ko na dati yung salitang hiraya, sa title yata ng play dito sa Elbi ilang taon ang makaraan. Hindi ko napanood yung palabas na Hiraya Manawari. Pero lagi kong naririnig na para sa mga bata ang palabas na yun. Ngayon, may nagtanong sa comment thread kung ano yung ibig sabihin ng pangalan ng palabas.  Ito yung naging sagot ng admin:

"It's actually ancient Tagalog, which more literally means "hope it comes to pass" or
"sana matupad." Hiraya is a deeper form of "sana" and Manawari means "mangyari/matupad".  So Hiraya Manawari is "sana mangyari".  When applied to dreams, it can also mean (albeit more figuratively) reach your dreams. - Gabriel from Yahoo Answers"


Pagkabasa ko nyan, sinulat ko agad sa notebook ko last sem. At yun ang sem na pinakamasaya at pinakamarami ang achievements ko. Balanse ang acads, org at pagsali sa mga prod. Ayos din ang social life. Rurok na kumbaga ng UP life ko. Lucky charm ko na sigurong matuturing, pero encouragement rin at paalala ang katagang yan sa mga gusto kong marating sa buhay.

PS. Sulat-kamay ko yung nasa unang picture. :))




jannilleabbie

Developer

Cras justo odio, dapibus ac facilisis in, egestas eget quam. Curabitur blandit tempus porttitor. Vivamus sagittis lacus vel augue laoreet rutrum faucibus dolor auctor.

0 comments:

Post a Comment